Posts

Showing posts from May, 2018
Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya ni Frasisco Baltazar ni Kim L. Masculino Tinalakay ni Francisco ang hidwaang pananampalataya Para maipakita sa tao na hindi sapat ang pagkakaiba ng mga relihiyon para magkagulo tayo. Isa sa mga dahilan kung bakit nag-aaway ang Kristiyano at Muslim dahil sa territoriyo. Kagaya nang sa kagaustuhan ng mga kastila na maipalaganap ang kristiyanismo sa buong Pilipinas, tinagka nilang sakupin ang Mindanao na kung saan maraming Muslim ang naninirahan. Ngunit hindi nila tuluyang na sakop ito. Kaya siniraan nila ang mga Muslim. Kasama narin dito ang pagiging arogante, kawalan ng respeto at pagmamahal sa isa’t-isa. Hindi tayo magkakagulo kung marunong tayong magpakumbaba sa ating mga kamalian o pag-intindi ng iba. Tayo ay hindi perpekto kaya intindihin natin na tayo ay nagkakamali rin at nakakasakit minsan sa kapwa. Kahit ano pa ang iyong relihiyon, iisa lamang ang batas ng langit na ating sinusunod at iyon ay ang pagtulong sa kapwa na nanga...

Himagsik laban sa Maling Kaugalian

Himagsik laban sa Maling Kaugalian Sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas Maraming halimbawa ng Maling gawain o kaugalian ang ipinakita ni Francisco sa kanyang obra na Florante at Laura. Katulad lamang ng pagtataksil sa kapwa, kaibigan, kapamilya at lalong lalo na sa sariling bayan. Una, ang pagtataksil ni Adolfo kay Florante. Dahil sa ingit, galit, at sakim, maraming tao ang nananakit, nagtataksil at nagtatangkang pumatay dahil gusto rin nila na maranasan ang saya, karangalan, at puri na naranasan ng ibang tao. Dahil sa ingit ni Adolfo kay Florante nagawa niyang saktan, agawin ang minamahal ni Florante at tangka niya pa siyang papatayin. Noon hanggang ngayon maraming tao ang nagkakagulo at nagkakasakitan dahil sa ingit na kanilang itinatanim sa kanilang kalooban sa isa’t-isa. Pagtataksil ni Sultan Ali-Adab sa sarili niyang anak na si Aladin. Dahil sa pansariling interest ng sultan, inagaw niya ang minamahal ng kanyang anak na si Flerida. Tunay nga na makapangyarihan ng...