Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya ni Frasisco Baltazar
ni Kim L. Masculino

Tinalakay ni Francisco ang hidwaang pananampalataya Para maipakita sa tao na hindi sapat ang pagkakaiba ng mga relihiyon para magkagulo tayo.

Isa sa mga dahilan kung bakit nag-aaway ang Kristiyano at Muslim dahil sa territoriyo. Kagaya nang sa kagaustuhan ng mga kastila na maipalaganap ang kristiyanismo sa buong Pilipinas, tinagka nilang sakupin ang Mindanao na kung saan maraming Muslim ang naninirahan. Ngunit hindi nila tuluyang na sakop ito. Kaya siniraan nila ang mga Muslim. Kasama narin dito ang pagiging arogante, kawalan ng respeto at pagmamahal sa isa’t-isa. Hindi tayo magkakagulo kung marunong tayong magpakumbaba sa ating mga kamalian o pag-intindi ng iba. Tayo ay hindi perpekto kaya intindihin natin na tayo ay nagkakamali rin at nakakasakit minsan sa kapwa.

Kahit ano pa ang iyong relihiyon, iisa lamang ang batas ng langit na ating sinusunod at iyon ay ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan. Iba-iba man tayo ng relihiyon, kung pag-ibig ang pagtulong ang ating pairalin ay tahimik at payapa ang ating komunidad.

Comments

Popular posts from this blog

Himagsik laban sa Maling Kaugalian